Sunday, November 29, 2015

Lucid Dream to Sleep Paralysis

Kagabi nagkaroon ako nung tinatawag na lucid dream, ito yung panaginip na parang nasa pagitan ka ng pagtulog at paggising na sa sobrang babaw ng tulog mo ay may kakayahan kang kontrolin yung kilos mo sa panaginip, ganito yung eksena: Nasa malaking bodega daw ako na maraming kahon, pumasok daw ako sa isang area na maraming stocks pero nung lalabas na ako ay hindi ko mahanap yung dinaanan ko, dahil yun sa dami ng mga stocks.

Kahit anong ikot ko daw ay bumabalik ako sa dati ko nang dinaanan, at dahil nga lucid dream yun, nararamdaman ko yung touch ng realidad kaya kinontrol ko yung paglakad at pagliko ko para makalabas sa bodegang iyon, pero kahit ano gawin ko hindi pa rin ako makalabas. Pakiramdam ko na-stuck na ako.


Mula sa malayo may natatanaw akong mga tao pero hindi ko mahanap yung daan para makapunta doon. Maya maya pa pa pinipilit ko na gumising dahil parang hindi na ako makakilos, naididilat ko nang konti yung mata ko pero hindi ako makagalaw, nagpumiglas ako hanggang sa tuluyang magising.


Ganun ako palagi kapag may lucid dream, alam kong gising na ako pero hindi ako makagalaw, pero first time nangyari yun nang gabi, madalas ko ma-experience yun kapag umiidlip sa hapon.


Actually nakakatakot yun, parang pinapanood mo yung sarili mo na habang binabangungot. May feeling na para kang nakagapos. I don't know if dream experts would agree kung lucid dream ang tawag ko dun, pero nakokontrol ko yung panaginip ko kaya yun ang tawag ko dun, hindi ko lang ma-explain kung bakit madalas nauuwi sa sleep paralysis.

No comments:

Post a Comment

Thanks for dropping your comments. Please remember to include your email or url so I can get back to you