Friday, November 27, 2015

Condominium, Auditorium, Magandang Babae

Nanaginip ako kaninang madaling araw na may tao daw akong ini-stalk, sa pagsunod ko daw sa kanya ay nakarating ako sa isang condominium. Ang ganda ng hallway, ang linis at ang mga ilaw medyo dim, parang Trinoma.

Maya-maya, pagliko ko sa isang hallway pakaliwa, may grupo na humila sa akin papunta sa isang auditorium, pagpasok duon maraming teenager na tila mga estudyante, pinaupo nila ako at sa harap nandun yung professor.


Agaw-pansin sa akin yung babaeng katabi ko, ang ganda, pakiramdam ko naging classmate ko talaga siya sa totoong buhay pero hindi lang kami naging close. Pero sa panaginip ko, kami yung laging nag-uusap. Nagsalita na yung professor, parang prime minister ng south korea ang aura niya at may mga rules na ipinakita sa amin na nakasulat sa kartolina.


Hindi masyadong maalala yung ibang rules pero ang natandaan ko ay yung pinakamatindi. Kapag daw makikita namin siya, sasaludo daw kami at sasabihing "bakuno bakuno" hindi ko alam kung ano ibig sabihin nun pero yung iba sumunod kaagad na parang mga na-brainwash na sundalo.


Maya maya nagpa-head count si prof parang platoon ng mga sundalo, hindi ako nakabilang maigi dahil alanganin yung upuan ko, akala ko ako na kaya sabi ko "thirteen" yun pala hindi pa, nun namang ako na ang bibilang hindi ako sumagot dahil akala ko hindi pa ako. Akala ko magagalit yung prof nakakatakot pa naman dahil mukang diktador ng komunistang bansa.


Tapos ang huli kong nakita ay nag-uusap pa rin kami nung magandang babaeng katabi ko tapos yung ibang tao dun ay nagtataas ng mga fan signs na may glitters, tapos nagising na ako.

No comments:

Post a Comment

Thanks for dropping your comments. Please remember to include your email or url so I can get back to you