Saturday, November 28, 2015

Flood in Dreams

Napanaginipan ko kaninang madaling araw na bumaha daw sa office namin, hanggang baywang daw.

Ang itim itim ng tubig, pero ang nakakapagtaka, tuloy pa rin ang trabaho, parang hindi napapansin ang baha.


Umusog daw ako sa kabilang side kung saan mababaw ang baha, pero nawala rin yung baha at ang linis ng office. Ang kintab ng sahig at parang walang nangyari.


Madalas ako managinip tungkol sa baha, isa ito dun sa mga panaginip ko na paulit-ulit, hanggang ngayon hindi ko ma-decode kung ano ang significance nun sa waking life ko. Sabi nila kabaligtaran daw ang panaginip, pero alam ko may gustong iparating sa akin yun kaya paulit-ulit.

No comments:

Post a Comment

Thanks for dropping your comments. Please remember to include your email or url so I can get back to you